Sunday, January 5, 2014

January 1, 2014


Nagsimula na naman ang bagong taon sa iba.
Pero sa mas marami ito ay karugtong pa rin ng iniwang taon.
Karugtong sapagkat wala naman nabago.
Karugtong sapakat hindi naman pinutol.

Kasalanan man ng iisa o ng lahat,
patuloy pa rin dumadaloy ang nakaraan sa kasalukuyan.
Daloy kung saan kailangan bang putulin o paghuhugutan ng panibagong lakas.
Lakas kung saan hinahanap ng marami pero kinuha naman ng iilan.

Wala na akong masasabi pa kundi tumulong na lang muna.
Pero sa mga hangal naman, Kunin na sana kayo ni Kamatayan..